Rodel's Personal Blog

Halalan at Pagbabago
Ang katatapos na halalan ay isa sa pinakamalalaking reporma sa ating sistemang elektoral. Hudyat ito ng pagtalikod natin sa manu-manong uri ng pagboto at usad-pagong na bilangan. Umukit din sa kasaysayan ang Pilipinas bilang kauna-unahang bansa sa Timog Silangang Asya na nagsagawa ng automated elections.

Sa binagong sistema, ultimong pagboto natin ng mga kandidato ay naiba, at ganun din rin ang paraan ng pagbibilang sa mga ito. Ngunit sa daming nabago sa sistema ng halalan, tila may katanungan pa ring di masasagot sa kasalukuyan: Tunay nga bang may nagbago?

Ang aalis na lider ng ating bansa at ang papalit sa kanya ay parehong anak ng mga nagdaang pangulo. Ang ilang kilalang lugar sa bansa gaya ng Makati, Davao, Cebu, Isabela, Bataan at iba pang lugar ay di nalalayo sa kasalukuyang kapalaran ng Malakanyang na tila ba ang panunungkulan sa gobyerno ay isang uri ng kayamanang naipapasa sa mga anak at sa kaapu-apuhan. Ang tanong tuloy ng ilan ay kung wala na bang ibang maaring pumalit sa kanila.

Nananatiling talamak ang bilihan ng boto sa ilang lugar sa ating bansa. Tila walang pakialam ang ilang tauhan ng mga pulitiko kahit pa napapanood sila ng sambayanang Pilipino sa telebisyon habang pasimpleng isinasagawa ang bilihan at abutan ng pera sa ilang botanteng ipinagpapalit ang kinabukasan ng kanilang bayan sa ilang daang piso.

Sa kabila ng pinaiiral na gun ban ng Comelec, nakita pa rin natin sa telebisyon ang aktuwal na kuha ng isang mamamahayag sa isang parte ng Mindanao kung saan nakunan ang tauhan ng isang pulitiko na may bitbit na matataas na kalibre ng baril at pilit na ginugulo ang isinasagawang eleksyon. Idagdag mo na rin ang gulo at tensyong idinulot ng mga pumalpak na program ng counting machines at ang problema sa signal sa pagta-transmit ng mga resulta ng botohan.

Sa pangkalahatan, masasabing tagumpay at mapayapa ang nakaraang halalan. Pawang mga isolated cases daw, ayon sa kinauukulan, ang ilang insidente ng karahasan na nasaksihan sa telebisyon. Ngunit sa bandang huli, hindi natin masasabing may maaasahan tayong pagbabago lalo na kung ang mga nanalong kandidato ay mga lumang personalidad na matagal nang namamayagpag sa kapangyarihan — mga lumang pulitiko sa bagong sistema ng halalan.

Kung tayo’y naghahangad ng totoong pagbabago sa sistema ng ating pamahalaan, simulan nating baguhin ang pamantayan sa ating pagpili ng mga kandidato. Simulan nating bomoto nang matalino, nang naayon sa plataporma ng kandidato at hindi nang dahil sa kasikatan niya, hindi rin dahil sa tunog ng apelyido, at lalong hindi dahil anak siya ng isang matagumpay na politiko.

Unang Nailathala sa Tinig  nitong May 23, 2010

Sino Ang Matsing?
Unang nailathala sa Tinig.com noong Agosto 15, 2002

KARAMIHAN SA atin ay pamilyar na sa mga pabula ng ating dakilang bayaning si Dr. Jose Rizal. Isa sa mga pabula niya ay ang tungkol sa magkaibigang pagong at matsing.

Minsan, habang namamasyal ang magkaibigang pagong at matsing ay nakakita sila ng isang puno ng saging. Napagkasunduan nilang paghatian ito. Ang matsing, palibhasa’y tuso at mapanglamang ay pinili ang bahagi na may bunga. Sa loob-loob niya ay iba na yaong may bunga para may pakinabang na agad sya. Pinili nito ang itaas na bahagi kasama ang mga dahon.

Samantalang ang pagong ay pinili ang ibabang bahagi na may mga ugat. Kanilang itinanim ang kanilang napaghatian. Lumipas ang mga araw at dumami at nagsipamunga ang ang itinanim ng pagong samantalang ang sa matsing ay namatay.

Karamihan sa atin ay may ugaling matsing. Mas pinipili natin ang makita agad ang kaunlaran, “ika nga ay kita na ang ebidensya” na hindi man lamang iniisip kung ano ang magiging epekto nito sa kalaunan. Kabilang na rito ang mga sumusuporta sa Mutual Logistics Support Agreement. Katwiran at pananggalang nila ay mapapasa-atin o di man ay matututunan natin ang pagpapatakbo ng mga makabagong kagamitang pandigma ng mga sundalong Amerikano. Hindi man lang nila iniisip ang magiging epekto nito sa kalaunan, gaya ng mga mamamayang maaaring magiging biktima ng pang-aabuso ng mga dayuhang kawal na ito. Hindi rin nila alintana ang posibilidad na madamay tayo sa mga giyera ng Estados Unidos.

Hindi na tayo natuto sa ating kasaysayan at tila gusto pa nating maulit ang nakaraan.

Ngunit may ilan din namang tumatayo sa katwiran. Nagmistula silang pagong na di tumitingin sa agad na kaunlaran kundi sa kaunlarang tatamasahin sa hinaharap na mas magiging kasiya-siya para sa lahat. Pinili nila ang mas angkop at tamang paninindigan sukdulan man na mapaalis sila sa kanilang puwesto sa kasalukuyang gobyerno. Hindi na natin kailangang sabihin ang kanilang mga pangalan, kilala na natin sila.

Ngunit mayroon lang akong pinagtatakhan. Ito ay ang direksiyong tinatahak at ang mga desisyon ng kasalukuyang lider ng ating bansa. Ano kaya sila, matsing?

Mahigit anim na taon simula nang isulat ko ang artikulong ito; mayron na tayong naging biktima ng “rape” sa katauhan ni Nicole; mayron na ring naipaulat na  nadamay na mga sibilyan sa mga isinasagawang “Balikatan Exercises” sa ibat-ibang panig ng ating bansa. Ilang Nicole pa ang kailangan masira ang buhay? Ilang buhay pa ang kailangang ibuwis upang mabatid ng mga kinauukulan na mali ang kasunduang ito?

Talahib
Unang nailatlaha sa Tinig.com noong Setyembre 19 , 2002

<table align="left" width="180"

Larawan mula Flickr

PANGKARANIWANG TANAWIN sa mga kanayunan ang malalawak na talahiban.

Nakawiwiling pagmasdan ang mga damong ito lalo na kung panahon ng pamumulaklak kung saan nagmimistulang malawak na kaulapan ang mga animo bulak na bunga nito.

Ngunit kadalasan ay nababalewala natin ang halaga ng talahib. Alam natin na ang murang katawan nito ay ngsisilbing pagkain sa ilan sa mga alaga nating hayop. Ang katawan naman nito ay ginagamit sa paggawa ng walis o kaya ay picture frame. Marami pang ibang kagamitan ang damong ito ngunit nababalewala ang mga ito kung kaya’t kadalasan ay binubunot ito ng mga tao o kaya ay pinuputol o tinatabas.

Pero sa kabila ng ginagawang paraan ng tao upang ang damong ito ay mapuksa, kamangha-mangha pa ring nananatili syang buhay at tila lalo pang dumadami.

Kailangan lang nya ng hangin upang mabuhay na muli sa ibang lugar.

Tayong mga Pilipino ay may pagkakapareho sa mga talahib. Sa paglipas ng panahon, nananatili tayong nakatayo sa abot ng ating makakaya. Nadisiplina tayo ng kahirapan at dumaan sa napakaraming pagsubok. Nariyang makaranas tayo ng pagmamaltrato ng ating mga karatig-bansa, nariyan ding laitin tayo at ituring na parang hindi tao ng ibang bansang pinaglilingkuran ng ilan sa ating mga kababayan at ipamukhang tayo ay dukha at walang kakayahan. Pero sa kabila nito ay tumatayo tayo at pinatutunayang kaya nating tumayo at lumaban sa kabila ng ating naghihikahos na ekonomiya.

May aral tayong makukuha sa talahib na ito. Hamak at damo sa paningin ng karamihan ngunit nabubuhay kahit sa pangit at tuyot na klase ng lupa. Maaari itong putulin o tabasin ngunit tutubo at tutubo itong muli. Dadapa sa hampas ng hangin ngunit muling babangon at iwawagayway ang kanyang magaspang na dahon na tila nagsasabing “narito ako at handang lumaban sa hamon ng panahon”.

Ang Pagkamabayan
Unang nailathala sa Tinig.com noong March 2, 2009

Simula pa lamang sa ating murang gulang ay itinuturo na ang pagiging makabayan sa pamamagitan ng paggalang at pagpupugay sa ating bandila. Inaawit natin ang Lupang Hinirang at sinasambit natin ang Panatang Makabayan sa layuning iukit sa ating mga murang kaisipan ang pagpapahalaga sa bansang ating sinilangan at sa sakripisyo ng ating mga ninuno upang makamtan natin ang tinatamasa nating kalayaan sa kasalukuyan.

…You are Filipinos. That the Philippines are your country, and the only country God has given you. That you must keep it for yourselves, for your children, and for your children’s children, until the world is no more. You must live for it, and die for it, if necessary.

Manuel L. Quezon

Habang tayo’y tumatanda, lumalalim ang ating kaalaman sa tunay na kahulugan ng nasyonalismo.  Nag-aaral tayo ng kasaysayan upang palawigin pa ang pagkakaunawa ng ating pinagsimulan nang sa gayon ay maging gabay ang mga aral mula rito sa ating pamumuhay sa kasalukuyan. Ngunit may iba’t ibang pananaw sa kung ano ba talaga ang nasyonalismo. Inilarawan ito ni Dr. Rizal sa mga karakter sa kanyang mga nobelang Noli Me Tangere at El Filibusterismo.

Ayon kay Ibarra: Ang nasyonalismo ay ang pagpapakita ng pagtanaw ng utang na loob sa Inang Espanya at sa pagbibigay ng pagpapahalaga sa mga naiambag nito tungo sa pagpapaunlad ng kultura at ekonomiya ating inang bayan.

Para naman kay Simoun, ang pagiging makabayan ay maipapakita sa  pagpapaunlad ng sariling wika, kultura at ang pagkakaroon ng malayang pag-iisip,  sariling pagkakakilanlan at dangal ng isang lahi.

Para kay Elias, ang pagkamakabayan ay maipapakita naman sa pamamagitan ng pagmamahal sa iyong kapwa-Pilipino, at pagpapahalaga sa ikauunlad ng iyong kababayan sa mapayapang pamamaraan at pagbibigay halaga sa pagmamahal sa bayan una sa lahat.

Ayon kay Isagani, ang pagiging makabayan ay maipapakita sa pagmamahal sa bayan sa pamamagitan ng kahandaang mag-aalay ng buhay para sa kalayaan nito.

Kung ating pagaaralan ang mga nabanggit na iba’t ibang anyo ng pagkamakabayan, ang depinisyon nito ay angkop noong panahong tayo’y konloya ng Espanya. Sa kasalukuyan, tayo’y maituturing na malaya na at ang digmaan sa pagitan ng mga bansang mananakop at sinasakop ay maituturing na “panahon na lumipas”. At maaring nagbago na rin ang kahulugan sa kung paano ba talaga maging tunay na makabayan.

Sinabi ni dating Pangulong Manuel L. Quezon: “Your country is a great country. It has a great past, and a great future. The Philippines of yesterday are consecrated by the sacrifices of lives and treasure of your patriots, martyrs, and soldiers. The Philippines of today are honored by the wholehearted devotion to its cause of unselfish and courageous statesmen. The Philippines of tomorrow will be the country of plenty, of happiness, and of freedom. A Philippines with her raised in the midst of the West Pacific, mistress of her own destiny, holding in her hand the torch of freedom and democracy. A republic of virtuous and righteous men and women all working together for a better world than the one we have at present.”

Ang kahulugan ng pagiging makabayan sa panahon ng katahimikan ay nagbago, ngunit may isang praktikal na uri ng pagiging makabayan na naipamalas sa atin ni Dr. Jose Rizal noong siya ay itinapon sa Dapitan: Malayo sa sistemang kanyang ginagalawan, sa kanyang mga ari-arian, salat sa mga kagamitang kailangan, at maituturing na isang bilanggo. Dito ginampanan niya nang buong katapatan ang kanyang pagiging makabayan bilang isang guro, mangagamot, lider ng komunidad, tagapayo, at isang pangkaraniwang mamayan.

Maaari ngang nagbago ang kahulugan ng pagkamakabayan ngunit ang ating pakikibaka upang ganap na makamtan ang kalayaan at pagkakaron ng sariling pagkakakikilanlan ay patuloy pa rin sa kasalukuyan. Ang kaisipang kolonyal ay patuloy pa ring namamayani sa kaisipan ng karamihan; at ang wika na patuloy na naghihiwalay sa masa at sa mga ilustrado ay namumutawi pa rin sa labi ng mga mayayaman at opisyal ng pamahalaan.

Sina Jose Rizal at Andres Bonifacio ay matagal ng wala sa mundong ito, ngunit ang mga aral nila sampu ng iba pang mga bayaning nag-alay ng buhay para sa kapakanan ng ating bayan ito ay nanatili sa puso ng ilan nating kababayan.

Ngunit nakalulungkot pagmasdan na ang diwa ng komunidad, ang pagmamahal sa wika at kultura, at pagmamalasakit sa ating kapwa-Pilipino ay unti-unti nang nababalewala sa kasulukuyang sistema ng ating pamumuhay.

Ang Jeep at ang mga Pinoy
Unang nailathala sa Tinig.com noong Febrero 23, 2009

Ang jeepney — ang maituturing na isa pang pambansang sasakyang sumasagisag sa ating pagkamalikhain — ay makailang ulit nang itinampok at ipinagmalaki sa boung mundo. Hanggang ngayon, ang sasakyang ito ay nanatiling hari ng mga kalsada saang panig ng Pilipinas ka man mapunta.

Ang jeep o jeepney ay nagsimula sa mga tira-tirang sasakyan ng mga Amerikano noong World War 2. Ginamit ito bilang personal na transportasyon ng mga opisyal na sundalong Amerikano na nahahawig sa owner type jeep natin sa kasalukuyan. Pagkatapos ng digmaan, kasamang iniwan ng mga Amerikano rito ang mga sasakyang nagbunsod sa mga Pilipino upang gawin itong kapaki-pakinabang.

Sa iyong pagsakay sa jeep, mapapansin mo na ang pagkakadisenyo ng upuan nito ay magkaharap — ito ay upang makatipid sa maliit na espasyo. Kumpara sa mga bus, ang dyip ay limitado lang ang laki kaya kadalasa’y nagsisiksikan ang mga pasahero lalo na kung may malalaking taong naupo rito. Kapansin-pansin din na sa ganitong posisyon ang mga pasahero ay hindi nakatingin sa direksyong tinatanatahak ng sasakyan bagkus ay umaasa na lang sa pagiging pamilyar sa lugar na bababaan.

Masasabing tayong mga Pilipino ay maihahantulad sa pasahero ng jeep. Ipinauubaya natin ang takbo ng ating bansa sa mga lider natin. Hindi natin tinitingnan ang direksyong ating tinatahak. Ang tangi nating nakikita ay ang kamalian ng ating kapwa. May mangilan-ngilan namang handang manguna at magsakripisyo gaya ng mga umuupo sa unahan sa malapit sa tabi ng driver, bilang taga-abot ng bayad at sukli. Maihahalintulad natin sila sa mga lider ng NGOs na tumutulong para sa ikabubuti ng kanilang kababayan. Ngunit gaya natin, sila ay nanatiling pasahero rin ng sistemang ating ginagalawan. Gaya ng upuan sa mga dyip, nagsisiksikan tayo at nag-aagawan sa mga maliit na espasyong inilaan sa atin: Sinisimbolo nito ang pagkamatiisin nating mga Pinoy. Sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng kabi-kabilang pagsubok, nanatili tayong tahimik at sinasarili na lang ang ating mga hinaing na kaladalan ay nag-uudyok sa ating kapwa upang magsamantala.

Kung may simbolong angkop na sumagisag sa ating mga Pilipino, isa na marahil ang jeep. Sa kabila ng mga malalaki at makapangyarihang bansang sumakop sa atin, sa kabila ng pagpapahirap at pang-aaliping ating dinanas, heto tayo at tumayo at bumangon mula sa pagiging alipin upang magkaron ng sariling pamahalaan. Maaaring malayo pa ang ating lalakbayin upang makamit natin ang uri ng gobyernong tunay na magmamalasakit sa kapakanan ng ating bayan at ng mamayang Pilipino. Marami pa ang kailangan nating burahin sa ating pagka-Pilipino upang tuluyan magkaron tayo ng sarili nating pagkakilanlan gaya ng colonial mentality at pagiging inglesero ng mga opisyal sa ating gobyerno.

Harinawa’y dumating ang araw na ang mga Pilipino ay maihalintulad sa jeep mismo, at hindi lamang sa mga pasahero nito.

Mga Pagpapahayag ng Pagmamahal
*Unang nailathala sa Tinig.com noong Febrero 14, 2009

Bawat tao ay may iba’t ibang pamamaraan ng pagpapahayag ng kanyang nararamdaman. Ito ay naayon sa kanyang edad, grupong kinabibilangan, antas ng pamumuhay at kaugalian. Hindi natin maaring paghambingin ang kanilang uri ng pagpapahayag at salitang ginagamit sapagkat ito ang kanilang alam na paraan o mas tamang sabihin ito ang kanilang paraan. Pero talakayin natin ang ilan sa mga ito.

“Type kita.” Salitang kanto na madalas nating maririnig sa mga kabataang nabibilang sa mga gang o sa mga taong umaastang “gangsta”. Isang expression na presko ang dating na iniaangkop sa image na nais nilang iparating. Informal at maaring sa pandinig ng iba ay di maganda ang pakahulugan pero para sa mga umiibig na nabibilang sa grupong ito, ang salitang ito ay sapat na para maiparating nila ang kanilang nararamdaman.

Ang “Crush kita” ay ang katagang kadalasang maririnig sa mga estudyante sa high school. Cute at inosente ang dating, nagpapahayag ito ng kanilang nararamdaman. Di man malinaw ang depinisyon nito, para sa mga kabataan, ito ay nangangahulugan na rin ng pagpapahayag ng pagtangi na medyo pakipot ang dating. Maaring di seryoso para sa ilan ang sa mga salitang ito pero para sa kanila ang crush ay kadalasang nanagangahulugan na rin ng pagmamahal.

“Mahal Kita.” Pang-masa ang dating. Nagpapahayag ng kaseryosohan at totoong nararamdaman. Maaring iilan na lang ang gumagamit nito, sa kadahilanang baduy ang dating para sa ilan. Pero walang maaring ipalit sa salitang ito sapagkat ito’y sariling atin.

“I love you.” Palasak na katagang maaring lahat ng edad ay alam. Isa na ito sa mga pangungusap sa English na karamihan ng tao sa buong mundo ay alam ang kahulugan. Itinuturing itong pangkalahatang lengwahe ng pagpapahiwatig ng pagmamahal at pagtangi. Ayon nga sa kasabihan “Love makes the world go round.”

Ngunit may isang pangungusap na maaring sabihin sa iyong minamahal lalo na kung ito ay may mataas na katungkulan at malawak ang saklaw ng kapangyarihan. Ito ay maaring itawag sa telepono sa gitna ng napakaraming tao na nanood ng isang sports competition. Ito rin ang angkop sabihin kapag ikaw ay nadadawit sa mga kontrobersyang humahabol sa iyo saang panig ka man ng mundo magtungo. Mas angkop itong sabihin lalo na kapag ang boung bansa ay nakikinig sa iyo: “Amor te quiero mucho.”

Manila: Queen of the Pacific
Minsan na bang sumagi sa isip mo kung ano ang itsura ng Maynila: ang kapital ng ating bansa bago pa sumapit ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig? Naglaro na ba sa imahinasyon mo kung gaano tayo itinuturing noon na “angat” pagdating sa kultura, edukasyon, at ekonomiya ng mga karatig bansa natin sa Asya?

Maaring makailang ulit na nating nabasa sa mga libro ng kasaysayan ang deskripsyon ng Manila noong panahon ng “Commonwealth”. Maaring nakita na natin ng kung ilang beses sa mga larawan  ang hitsura ng mga istruktura natin noong panahon ng panunungkulan ni dating Pangulong Manuel L. Quezon. Ngunit sa pelikula nakita nyo na rin ba?

Nais kong ibahagi ang video na to na nakita ko sa Youtube na nagtatampok sa Maynila mahigit 70 taon na ang nakararaan.

Manila, Queen of the Pacific 1938The Travel Film Archive

<object width="445" height="364"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/dvpbsyNcI3I&hl=en&fs=1&border=1"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/dvpbsyNcI3I&hl=en&fs=1&border=1" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="445" height="364"></embed></object>

Pulubing Musikero
Sa mga bansang mahirap gaya ng sa Pilipinas, pangkaraniwan nang tanawin ang mga pulube sa tabi ng daan na nanghihingi ng konting tulong. Karaniwan silang makikita sa matataong lugar gaya ng Overpass, LRT at MRT Station at maging sa mga gilid ng mga shopping malls. Sa bawat araw na pumapasok ka sa trabaho lalo na kung sa paligid ka ng Metro Manila nakatira, hindi lilipas ang isang araw na di mo sila nakikita.

Iba’t iba ang kanilang mga estilo ng pamamalimos. Iba’t iba ang kanilang kapansanan. May bulag, o pilay na nakasahod ang lata habang naglilitanya ng mga salitang kung pakikinggan mo ay makakaantig ng iyong damdamin. May ilan namang nakatingin na lang at titingnan ka ng parang nagmamakaawa at tila maiiyak na. At may ilan rin na tumutugtog at kumakanta.

Habang nagpapalipas ako ng oras sa panonood ng video sa Youtube, may napansin akong kakaiba sa pinapanood ko. Marahil dala na rin ng paborito ko ang kantang “Stand By Me” na inaawit nila. Pero sila ay di pangkaraniwan ang kalagayan. Sila ay gaya ng mga kababayan natin sa nakatira sa langsangan at namamalimos. Sila ay mga pulube sa iba’ibang panig ng mundo.

Panoorin natin ang kanilang video.

Playing For Change: Song Around the World “Stand By Me”

<object width="445" height="364"><param name="movie" value="http://www.youtube.com/v/Us-TVg40ExM&hl=en&fs=1&border=1"></param><param name="allowFullScreen" value="true"></param><param name="allowscriptaccess" value="always"></param><embed src="http://www.youtube.com/v/Us-TVg40ExM&hl=en&fs=1&border=1" type="application/x-shockwave-flash" allowscriptaccess="always" allowfullscreen="true" width="445" height="364"></embed></object>

Katutubong Prosti
Unang nailathala sa Tinig.com noong Febrero 3, 2009

Isa ako sa mga taong madalas mapuyat dahil sa panonood ng telebisyon. Hindi dahil sa nahihilig ako sa mga teleserye o telebabad, kundi palagian ko lang sinusubaybayan ang mga palabas na sa hatinggabi ko lang maaring mapanood. Ito ay ang mga dokumentaryo — mga palabas na karaniwang isinasahimpapawid tuwing hatinggabi at madaling araw. Mga programang malalimang tumatalakay sa iba’t ibang usapin sa ating lipunan.

Umagaw ng aking pansin ang dokumentaryo ng I-Witness na pinamagatang “Katutubo By Night”. Ito ay dokumentaryong tumatalakay sa kapalaran ng ilang kababaihang Lumad na napilitang lisanin ang kabundukan at talikuran ang nakagisnang kultura upang makipagsapalaran sa mga syudad na kaladasang humahantong sa prostitusyon.

National Comission of Indigenous People

…the term indigenous peoples has been made synonymous to oppression, exploitation, discrimination and poverty. They, whose ancestors were once the proud rulers of this land, are now the scum of the earth, the so-called poorest of the poor in the Philippines.

Lumad ang tawag sa mga katutubong naninirahan sa bahagi ng Mindanao. Kinabibilangan ito ng mga kilalang tribo gaya ng B’laan, Manobo, Subanen, Higaonon, Kalagan, Kamayo, Mamanwa, Mandaya, Mansaka, Sangil, Subanon, Tagabawa, Tasaday, T’boli at iba pa. Hindi na binanggit sa programa kung saang tribo kabilang ang mga nabanggit na kababaihang ang ilan ay pawang mga menor de edad. Para kasi sa mga Lumad, higit pa sa anumang uri ng ginto o kayaman ang kanilang dangal. Kaya ang usapin ng prostitusyon para sa kanila ay isang usaping napakasensitibo.

May mga batas na nangangalaga at kumikilala sa karapatan ng mga katutubo. Isa na rito ang  Republic Act 8371 o mas kilala sa tawag na Indigenous Peoples Right Act of 1997: “An Act To Recognize, Protect And Promote The Rights Of Indigenous Cultural Communities/ Indigenous Peoples, Creating A National Commission On Indigenous Peoples, Establishing Implementing Mechanisms, Appropriating Funds Therefore, And For Other Purposes”. Nakasaad sa batas na ito ang karapatan ng bawat katutubo at ang tungkulin ng gobyerno para sa kanila.

Kung ating babasaihin, malinaw na dapat ay kilalanin ng ating pamahalaan ang kanilang karapatan, igalang ang kanilang paniniwala, kilalanin ang kanilang sinaunang paraan ng pamamahala sa sarili, pangalagaan ang kanilang kabuhayan at lupain laban sa anumang uri pangangamkam, tulungang mapaunlad ang kanilang kultura at bigyan ng wastong kaalaman ukol sa kanilang karapatan. Ngunit gaya ng marami sa ating batas, nanatiling sa papel lang ang karamihan.

Tulad na lang ng batas laban sa child labor at prostitusyon, isa ang Pilipinas sa nanguna sa pagpapasa ng maituturing na “hallmark” na batas sa Asya, pero sa kabila  ng pangununa natin na pagpapatupad ng mga batas na ‘to, nanatili pa rin tayong pugad ng prostitusyon. Karamihan sa ating mga kabataan ay patuloy pa rin sa nagbabanat ng buto sa kabila ng kanilang mga murang gulang. At nanatili pa rin tayong numero uno sa paglabag sa pantaong karapatan.

Hanggang kailan magtitiis ang mga kababayan nating katutubo sa mga pang-aabuso ng ilan nating kababayan? Hanggang kailan sila maghihintay na ang mga batas na mangangalaga sa kanilang karapatan ay maipatupad na nang lubusan? Hanggang kailan tayo magbubulag-bulagan sa diskriminasyong kanilang sinasapit sa kamay ng ilan nating mga kababayan? Alalahanin sana natin na sila, gaya natin, ay Pilipino rin: Ang lahing unang dinatnan ng mga dayuhan dito sa ating bayan at ang lahing ating pinagmulan.

Narito ang ilang bahagi ng Dokumentaryong Katutubo by Night:

This page requires a higher version browser
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV

Nasaan Na Ang Unang Darna?
Isang sabado ng gabi, habang nanonood ako ng late night documentray shows sa istasyon ng GMA 7. Napanood ko ang isa sa paborito kong show na ang host ay si Howie Severino, ito ay ang palabas na ‘Sine Totoo”. Wala akong ideya kung ano ang kanyang topic ng gabing iyon kaya matiyaga kong sinubaybayan ang pauna nyang salita ngunit ako ay nagulat nang banggitin ni Howie ang katanungan na “Nasaan na ang unang Darna?”.

“A country without a history is not a country. We need to know where we come from and where we are going.”

Ang segment ng gabing iyon ay may pamagat na “Pantasya ng Bayan”; Isang dokomentaryo na tumatalakay sa kultura ng pelikula sa ating bansa na noong dekada 50 ay isa sa pinakaangat sa boung Asya. Isang yugto sa kasaysayan nating mga Pilipino na ating maipagmamalaki hanggang sa kasalukuyan.

Isa na marahil sa pinakapopular na pelikulang Pilipino na hinangaan hindi lang dito sa bansa natin kundi pati na rin sa ibang bahagi ng mundo ay ang Darna. Si Darna ay isang kathang-isip na tauhan ng Pinoy Komiks na nilikha at binigyang buhay ng batikang Pilipinong Manunulat na si Mars Ravelo noong dekada 50. Isang tunay na Super Pinoy Hero na lubos na kinasabikan, pinuri, kinaluguran at pinanabikan ng sambayang Pilipino dahil sa taglay niyang lakas, ganda at karisma sa madla. Una itong isinalin sa pelikula nong taong 1952 na pinagbidahan ni Rosa Del Rosario. Ngunit sa kabila ng tagumpay na naidulot nito sa kasyasayan ng ating pelikula, nakalulungkot isipin na wala na tayong natitirang kopya nito sa kasalukuyan. Isang bahagi na ito ng ating tagumpay na tuluyan ng nakalimutan.

Ang pelikula–gaya ng painting, musika at komiks, ay bahagi ng ating kultura. At ang kultura ay sumasalamin sa ating kasaysayan sa mga nakalipas na taon at parte na ng ating kayaman na dapat ay pinangangalagaan. Ito ay isa sa mga paraan upang malaman natin kung ano tayo at ano ang mga pinagdaanan nating tagumpay sa ibat-ibang larangan mapa-sining man o mapa-agham. Mahalaga na ipi-preserba ang mga ito upang mapag-aralan at mapagbuti ng mga susunod na henerasyon.

Sinasabing ang di lumingon sa pinanggalingan ay di makararating sa paroroonan. Ngunit paano natin mararating ang ating patutunguhan kung ang ilang bahagi ng ating nakaraan ay unti-unti na nating pinababayaan at hinahayaang malibing dahil na rin sa ating kapabayaan.

Narito ang ilang bahagi ng dokumentaryo ni Howie Severino na may pamagat na “Pantasya Ng Bayan”

This page requires a higher version browser
For the latest Philippine news stories and videos, visit GMANews.TV